Sa Madaling Salita |
Hi we're Ang Bandang Shirley and this is our 2nd album recording diary (well, sort of) and sometimes a repository of other stuff that we need everyone to know about. Hehe. Enjoy and recommend us too! http://facebook.com/angbandangshirley http://twitter.com/thebandshirley http://soundcloud.com/angbandangshirley p.s. Our 1st album titled "Themesongs" is only P299.00 and is available at Odyssey Megamall and Gateway. You could also order the album from us just send us an email at no1fan@gmail.com! |
Happy New Year Sa Lahat! Maraming masayang nangyari ngayong 2011 pero itong sampo ay ang pinaka-masasayang alala. Maraming salamat sa inyo, aming mga taga-suporta, dahil pinasaya niyo kami sa 2011!
1. Shirley sa Singapore
Masaya tumugtog sa ibang bansa lalo na kung kasama mo ang mga matatalik mong kaibigan at ang iyong minamahal. Masarap pa ang pagkain.
photo by Matt Cayaba
2. Digmaang Choice Indie Act
Exciting makipaglaban sa padamihan ng boto kasi malalaman mo kung sino ang pinaka loyal sa mga fans mo at malalaman mo rin na kaya nilang gawin ang lahat para lang manalo ka.
3. Pagcover ng Peace It Together
Nakakataba ng puso na yung mismong miyembro ng bandang pinagmulan ng pangalan ng banda mo ang nagsabing ang galing ng pagkatugtog mo ng kanta nila.
4. Ang Shooting ng The Grim Repat Patintero Video
Mabubusog ang tiyan mo at ang puso mo dahil may mga taong umiibig sa mga kanta ng banda mo at gusto pang gawan ng music video o umextra dito nang walang bayad.
photo by Mara Coson
5. Mosh sa The Strangeness EP Launch
Nakangiting magtataka ka pag may nagmomosh sa kanta mong 120 BPM ang tempo at ito’y isang mabagal na love song.
photo by Mij Bautista
6. Russ at Selena
Oo sila na. Kung di mo pa alam, malamang mapapangiti ka rin ngayon na nalaman mo.
photo by Peter Tolibas
7. Wild Crowd sa Despedida ni Bobby Benedicto
May mga taong natutumba sa harap mo at natatanggal yung power ng effects mo pero di nila nahahalata kasi masyado lang silang masaya.
photo by Joey Alvero
8. Nagpropose si Puto kay Lianne sa Nomnomnom
Nakakatuwang tumugtog sa isang di malilimutan at sobrang nakakakilig na pagdiriwang ng pag-iibigan.
photo by Peter Tolibas
9. Photoshoot kasama si Bong Sta Maria
Kahit na gusto na naming gawing mas seryoso ang image ng banda, lumabas pa rin ang pagka kengkoy at pagkamasayahin namin sa mga letratong ito.
Photo by Bong Sta Maria
10. Birthday Lunch ni Owel at ang Masikip na car ride pauwi.
Masarap kumain ng Japanese Bento Box kasama ang buong banda at masarap din makipagsiksikan sa kotche at magtanungan ng mga kontrobersyal na mga tanong sa isa’t isa.
